Hayy... Mother's day na naman... anu kaya ibibigay ko kay mama? hehehe... Madalas nating piang-iisipan kung ano ang ireregalo natin sa ating mga magulang... ako, simple lang... ano nga naman ang maibibigay ko? Simple... panalangin at tula...
Sobrang saya ko kase nagawan ko sya ng tula kagabe... basta pag may trabaho na ako, bibilihan ko sya ng diamond ring... hahahaha!!! Baka may mas maganda pa kaysa sa diamond ring! (meron nga ba?)
Wala pa ring tutumbas sa pagmamahal ng isang ina... kaya, mahal na mahal ko ang mama ko... nami-miss ko nga noon... noong maliit pa lang ako... ang mga panahon na sa maliit na bahay lang kame nakatira... nangungupahan lang kame... bumibili lang kame ng skyflakes o magic crackers... tapos 1 sachet ng lady's choice ham/ bacon... pero ang paborit ni mama ay tuna...^_^...
Di ko malilimutan ung mga unang laruan na ibinili sa aken ng mama at mga kapatid ko... masaya talaga pag binabalik-balikan ang childhood memories...^_^...
Wala naman akong ibang masasabi, eh... "Happy Mother's Day, mama"... ako ang excited, eh... hehehehe...^_^...
Salamat at taon-taon may Mother's Day...^_^...

No comments:
Post a Comment