WoW! Grabe! As in! Astig! Ang saya-saya ng BRYORG Launching last May 5, Tuesday! Ang dami ng youth na umatend. Yung mga Marikina, Tarlac, Cavite, Q.C., Makati, at marami pang ibang chapters ng BOL ang nakarating! Napuno ang mga upuan… nung una, mahaba ng pila dahil chine-check pa ng mga organizer kung sinu-sino ang mga nagpa-reserve at walk-in lang. Dahil ako ay nagpa-reserve na nung Sunday pa, agad naman akong nakapasok at nakakuha ng ticket ko… Papasok palang kames sa loob ng Convenarium, lamig na lamig na kame, rinig na rinig na ang malakas na music na pinatutugtog ng DJ… hudyat na ng malakihang launching ng BRYORG!!! Brown Raise Youth Org…^_^…
Pagpasok namen, agad kaming pinaupo dahil magsisimula na ang BRYORG Todo! Pagkaupong-pagkaupo ko, nagsisimula na ang bilang, sampu, siyam, walo, pito, anim, lima, apat, tatlo, dalawa, isa……….. MAGSISIMULA NA ANG BRYORG TODO!!!!
Humihiyaw na ang mga kabataan! Magsisimula na ang kasiyahan! Pinasimulan ang launching ng isang banda, ang pinaka-bagong banda ng mga kabataan, ang SULONG NA Band! Nauna nilang tinugtog ang “Sugod”:
[chorus]
Sugod mga kapatid!
Tayo ay magsama-sama
iwagayway na ang bandera!
Brown Raise Youth Org 1 to Sawa!
I
E-text mu na
sina shaun at jopet,
lagyan ng gel
ang buhok na bagong gupet,
labas mu na
sapatos at lonta,
hanep pumorma
walang kokontra!
[refrain]
Isang lingong pinagipunan
isang buwan mung inabangan
ang feedback ng mga guitara
mga paborito mong kanta!
Hala bira!
[chorus]
Sugod mga kapatid!
Tayo ay magsama-sama
iwagayway na ang bandera!
Brown Raise Youth Org 1 to Sawa!
II
Ngayong gabi
ay magsasaya,
manood
ng mga banda,
sumayaw
na parang asong ulol,
Sa bajo at tambol na lumilindol!
Hey!
[refrain]
Isang lingong pinagipunan
isang buwan mung inabangan
ang feedback ng mga guitara
mga paborito mong kanta!
Hala bira!
Fiesta na!!!
[chorus]
Sugod mga kapatid!
Tayo ay magsama-sama
iwagayway na ang bandera!
Brown Raise Youth Org 1 to Sawa!
[chorus]
Sugod mga kapatid!
Tayo ay magsama-sama
iwagayway na ang bandera!
Brown Raise Youth Org 1 to Sawa!
Mapapansin nyo siguro na imbes na “Rak en roll hanggang umaga!” ang nasa dulo ng chorus, ang nakalagay ay “Brown Raise Youth Org 1 to Sawa!”… pinalitan ng bandang “SULONG NA” ang dulo ng chorus na para sa BRYORG launching… Marami pang tinugtog ang banda… sa ibang blogs ko na lang ilalagay dahil sobrang haba na ng blog ko… hehehe…^_^…
Di lang naman yun ang kinanta ng banda, simula palang yun… sya nga pala, Ate Abshee at Kuya Dale, astig po kayo! Ang galling nyo mag elec. & bass guitar! Yan ang tunay na ASTIG!
Ang gagaling din ng mga nagging DJs ng show, sina Ate/ DJ Toni at Coach/ DJ JP… gustong-gusto ko kapag nag-di-“DJ’s Signing In” sila…
Magaganda rin ang mga mensahe na inihatid sa amin ng mga Life Coach… gaya ni Coach Anne Lao, Coach Marie at Coach Tina Clemente… ni-share din nila sa amin ang visions ng BRYORG para sa aming mga kabataan…
Lalo na ang napanood namen na video clips… ang gaganda… lalo na yung Pantene’s extraordinary commercial from Thailand… shocked kaming lahat na Pantene lang pala yun pero, grabe! Galing ng direktor nun! Hehe…^_^…
Nag-serve sila ng lunch at dinner… Masasarap ang hinanda nilang mga food at gulaman…Nagsimula ang launching ng 2 pm at nagtapos ng 2 am... wOw… ung isa nga naming kasamahan ay nagtanong na sa isang kuya, “Kuya, diretso ‘Wide Awake’ na ba tayo? Wala pang Friday… hehehe…”… sagot naman ng kuya, “Di, noh! Napahaba lang dahil sa video clips…”

No comments:
Post a Comment